Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Public hearing hinggil sa paglalagay ng re-routing ng mga trisikel magaganap ngayong Huwebes March 12

Mar
9,
2020
Comments Off on Public hearing hinggil sa paglalagay ng re-routing ng mga trisikel magaganap ngayong Huwebes March 12

Mga trisikel na apektado dahil sa pag ban sa national highway sa utos na rin ng DILG, saan padadaanin?!
Pagkakaroon ng Speed Limit sa Asingan, Napapanahon na ba? KTV Bar o Resto Bar san ba sila dapat ilagay?
Iniimbitahan ng Sangguniang Bayan ng Asingan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua ang publiko na dumalo sa gaganaping public hearing hinggil sa paglalagay ng re-routing ng mga trisikel, maaalala lang na inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local chief executive na mahigpit na ipatupad ang ban sa mga tricycle sa mga national highway kasama sa apektadong lugar dito ay mga mga dumadaan sa Magilas Trail, Toboy hanggang Palaris.
Sa isa pang public hearing ay mag uusapan ang panukalang batas ng pagtatakda ng speed limit sa Asingan ganun na din ang pagsasayos ng mga KTV Bar o Resto Bar. Ang public hearing ay magaganap ngayon Huwebes March 12 magsisimula ng alas nuebe ng umaga hanggang tanghali sa Government Center 2nd floor.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top