Sinimulan na ngayong Lunes, May 5 ng Commission on Elections (COMELEC) Asingan ang deployment ng automated counting machines (ACM) ,mga ballot boxes at iba pang election materials na gagamitin para sa 51 clustered precincts sa bayan.
Samantala, nakatakda naman gawin bukas araw ng Martes ang final testing at sealing ng gagamiting ACM upang masigurado na maayos ang mga ito bago ang eleksyon sa susunod na Lunes.