Pinakilig at pinasaya ni Asingan Mayor Carlos Lopez ang publiko kabilang na dito ang kawani ng gobyerno sa isinagawang “Date with the Mayor” ngayong araw ng mga puso.
Napuno ang okasyon ng pamimigay ng mga bulaklak, tsokolate at libreng pananghalian ng mga bisita.
Sa kabila ng pagiging makabago ng selebrasyon, ang tunay na diwa ng araw ng mga puso ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi sa sinserong pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga.