Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Dalawang grupo ng mga tricycle driver na nagbabangayan pinagbati!

Aug
2,
2019
Comments Off on Dalawang grupo ng mga tricycle driver na nagbabangayan pinagbati!

Dalawang grupo ng mga tricycle driver na nagbabangayan pinagbati!

Pinatawag ni Mayor Carlos Lopez Jr ang mga tricycle drivers ng Sinapog – Poblacion East upang mapag-usapan patungkol sa nangyayaring sigalot sa kanilang samahan.

Sa kabuoan ng open forum pinakinggan at naunawaan ng butihing Mayor ang mga problemang kinaharap ng tricycle drivers sa barangay na ito.

Sinulosyunan niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa prankisa pati na rin sa ibang mga colorum drivers at pagsama sa kanila oras na naayos na “GrabTrike” sa Asingan.

Hindi ibig sabihin na mawawala yong regular na pila ng TODA. Ito ay additional feature kung saan madadagdagan ang kita ng tricycle driver dahil sila sila rin ang pwedeng magpa-register sa Grab Trike.

Ito ay maganda both tricycle drivers and passengers. Kahit nasaan ka sa Asingan, you can book a ride; at para sa mga driver naman, he can have a passenger, anytime. The fare is fixed. Just like in Grab taxi, lalabas sa app kung magkano ang pamasahe mula sa pick-up point hanggang sa destination. Kapag okay sa pasahero yon fare, and he/she acknowledges it by clicking a button sa app, yon na yon. Nasa sa kanya na yun kung bibigyan niya ng tip yung driver.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top