Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Courtesy call bagong OIC ng PNP kay Mayor Carlos Lopez Jr

Jan
24,
2023
Comments Off on Courtesy call bagong OIC ng PNP kay Mayor Carlos Lopez Jr
Nag-courtesy call ngayong araw ang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) Asingan na si Police Major Katelyn May D. Awingan kay Mayor Carlos Lopez Jr.
Sa courtesy call ni Police Major Awingan ay hiniling ng alkalde na mapanatili ang katahimikan, kaayusan sa bayan ng Asingan maging ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
“Performance talaga yung aking hinihiling palagi, kasi alam naman natin na ang bayan natin is isa sa mga pinakamaayos at tahimik na lugar sa buong Pangasinan. Ang hiling ko lang sa kanya is to maintain the peace and order at the same time continuous pa rin yung laban kontra illegal gambling, illegal drugs at yung mga pagprotekya sa mga residente ng Asingan.” saad ni Mayor Lopez Jr.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng alkalde kay outgoing Chief of Police P/Major Napoleon M. Eleccion sa mga naging programa upang masugpo ang kriminalidad sa kanyang panunungkulan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top