Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Corn Industry sa Bayan ng Asingan, Tutulungan ng LGU at Isang Pribadong Kumpanya

Jul
4,
2025
Comments Off on Corn Industry sa Bayan ng Asingan, Tutulungan ng LGU at Isang Pribadong Kumpanya

Umaasa ang ilang nagbebenta ng mais na posibleng mas gumanda ang kanilang benta ngayong sinusulong ng San Miguel Food Corporation ang pagbili ng mais sa bayan ng Asingan.
Kabilang na dito ang mahigit tatlong dekadang nagtatanim ng mais na si tatay Roberto Ramirez ng Barangay Carosucan Norte.
Kwento pa ni tatay Roberto sa sobrang baba ng presyo ng mais naranasan pa niyang magbenta sa halagang walong peso (P8) kada kilo.
“Yan ang lugi talaga dahil ang mahal ng mga gamot na ginagamit namin. Kung minsan pag ganito pa nataon aanihan, problema yung presyo dahil yung mga bibili ng mais babagsak nila ang presyo. Hindi namin na me-meet yung gusto namin talaga na presyo na pwede kami kumita para gagastusin araw-araw.” pahayag ni tatay Roberto.
Bukod sa planong pagbili ng San Miguel Foods Incorporation – BMEG Feeds ng mga pananim ng mga “corn farmers” ay balak din nila turuan at kasanayan sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng mais.
“Yung populasyon natin eh palaki siyempre yung pangangailangan sa lipunan, yung consumption natin lalo sa feed industry, sa poultry and meats eh malaki din yung allottment. Kaya ngayon hinihikayat po namin sila [corn farmer] na makiisa sa programa.” saad ni Adrian Sadie, Crop Production Specialist for Central Luzon ng San Miguel Foods Incorporation.
Pabor naman dito si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa gagawing pagtulong ng kumpanya sa mga “corn farmers”.
“Ang maganda po dito matatanggal ang “middleman system”, ako po ang mangangasiwa ng marketing ng mais dito sa Asingan. Dahil ang gusto namin malaki ang mapagbebentahan niyo kasi tignan niyo ngayon bagsak presyo ang palay kaya magtanim na rin tayo ng mais.” paliwanag ng alkalde.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top