Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

CHILDREN SECTION NG SILID AKLATAN SA ASINGAN, DAGDAG ATRAKSYON SA MGA CHIKITING

Dec
5,
2022
Comments Off on CHILDREN SECTION NG SILID AKLATAN SA ASINGAN, DAGDAG ATRAKSYON SA MGA CHIKITING

PANOORIN: Pagpapasinaya ngayong umaga sa Children’s Section ng Senator Leticia Ramos-Shahani Municipal Library.



CHILDREN SECTION NG SILID AKLATAN SA ASINGAN, DAGDAG ATRAKSYON SA MGA CHIKITING
Pormal ng binuksan ngayong lunes ng umaga ang Children’s Section ng Senator Leticia Ramos-Shahani Municipal Library para sa mga Chikiting.
Makikita sa bahaging ito ng silid aklatan ang mga libro, iba’t ibang babasahin at kagamitan na makatutulong mapaunlad ang literacy skills ng mga kabataan sa bayan ng Asingan.
Bukod pa rito ay may libreng WIFI access sa mga gagamit ng nasabing silid-aklatan , dagdag pa ang pagkakaroon din ng storytelling para sa mga batang pupunta dito.
Samantala, tumatanggap naman ang Senator Leticia Ramos-Shahani Municipal Library ng donasyong mga aklat pambata (good condition) at laruan sa pamamagitan ng Chikiting Pasko Toy and Book Drive mula December 5 hanggang December 16.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad sina Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., Vice Mayor Heidee Chua at miyembro ng Sangguniang Bayan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top