ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ang pagsasagawa ng pagpuputol ng mga sanga ng mga puno sa Luciano Millan National High School.
Samantala, libreng gupit naman ang Together, Advocating for LGBTQIA+ Acceptance of Asingan, Pangasinan, Inc. (TALA-AP INC.) para sa mga guro at estudyante ng Carosucan Sur National High School.
Layon ng Brigada Eskwela na ihanda ang mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga guro, magulang, lokal na pamahalaan, at mga boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.