Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BIKE TRAIL, ITATAYO SA GAGAWING ECO PARK NG ASINGAN

Oct
20,
2020
Comments Off on BIKE TRAIL, ITATAYO SA GAGAWING ECO PARK NG ASINGAN

BIKE TRAIL, ITATAYO SA GAGAWING ECO PARK NG ASINGAN
Posibleng magkaroon na ng biking destination sa bayan ng Asingan na tiyak pakaaabangan ng mga biking enthusiast.
Kamakailan ay binisita ni Mayor Carlos Lopez Jr kasama ang mga miyembro ng Bumibisekleta A NagGapo Asingan Daytoy o mas kilala sa pangalang Team BANGAD ang Sitio Cabaruan, Barangay Bantog.
“Idedevelop itong lugar na ito para gawing palaruan ng mga biking enthusiast na magagamit pang pamilya, pang amateur, pang pro and aside from that hindi na tayo lalabas ng Asingan dito na lang tayo” saad ni Jon Athan Cabais Ilumin, Co-Founder ng Team Bangad.
Maalala na noong Agosto ay nagsagawa ng tree planting malapit sa dike ng Agno River ang lokal na pamahalaan ng Asingan na naglalayong makagawa ng limang kilometrong eco-park.
Romel Aguilar / JC Aying / Rome Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top