Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BAYAN NG ASINGAN, NADAGDAGAN NG 5 PANIBAGONG KASO NG COVID-19

Feb
8,
2021
Comments Off on BAYAN NG ASINGAN, NADAGDAGAN NG 5 PANIBAGONG KASO NG COVID-19


BAYAN NG ASINGAN, NADAGDAGAN NG 5 PANIBAGONG KASO NG COVID-19
Sa datos na inilabas ng Rural Health Unit of Asingan, nadagdagan ng limang aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Asingan.
Si Patient No. 45 ay 79-anyos na lalaki mula sa Barangay Cabalitian. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 43 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Mula naman sa Barangay Bantog si Patient No. 46, 27-anyos na lalaki, na expose kay Covid Patient no. 41 at kasalukuyang nasa Isolation Facility.
Ang pang 47 kaso naman ay ang 34 anyos na babae mula sa Barangay Domanpot, may travel history sa Rosales at Dagupan City at kasalukuyang nagpapagaling sa nagpapagaling sa Eastern Pangasinan District Hospital.
Si Patient No. 48 ay 33-anyos na babae mula din sa Barangay Domanpot. Siya ay may travel history sa Rosales at Dagupan City at kasalukuyang nagpapagaling sa Eastern Pangasinan District Hospital.
Mula naman sa Barangay San Vicente East si Covid Patient No. 49, 24-anyos na babae, na expose kay Covid Patient no. 44 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko at pinapayuhang sundin ang minimum public health standards. Bagamat ang bayan ay nasa MGCQ, pinapaalalahanan ang publiko na lumabas lamang ng tahanan kung kinakailangan. Lubos na pag-iingat lalo na ngayon ang kailangan para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top