Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

BAYAN NG ASINGAN, KABILANG SA 30 LGU’S NA TUMANGGAP NG BAGONG PATIENT TRANSPORT VEHICLE

Jul
11,
2025
Comments Off on BAYAN NG ASINGAN, KABILANG SA 30 LGU’S NA TUMANGGAP NG BAGONG PATIENT TRANSPORT VEHICLE

BAYAN NG ASINGAN, KABILANG SA 30 LGU’S MULA ILOCOS REGION NA TUMANGGAP NG BAGONG PATIENT TRANSPORT VEHICLE MULA SA PCSO


Sa layuning maipagtuloy ang pagbibigay prayoridad ng National Government sa mga serbisyong direktang makakatulong sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino ay isinagawa nito lamang Miyerkules, July 9 ang pamamahagi ng tatlong daan at walumpu’t pitong (387) Patient Transport Vehicle (PTV) para sa ilang lokal na pamahalaan sa Luzon na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos katuwang ang Philippine Charity Sweepstakes Office.


“We will continue to do this and hindi namin ititigil ito, hangga’t lahat ng pangangailangan ng ating mga LGU ay natugunan na natin ang kanilang requirements para dito sa mga Patient Transport Vehicle na ito. Kaya’t ipagpapatuloy namin ang pagpapatibay hindi lamang sa paramihan ng Transport Vehicle kundi para na rin sa buong health care system.” pahayag ng Presidente.
Ayon pa sa naging mensahe ng Pangulo ay target nito na bago matapos ang taong 2025 ay dapat nabigyan na ang lahat ng syudad at bayan ng tig isang Patient Transport Vehicle.
“Asahan ninyo ang instruction ko kay GM Mel Robles [PCSO] sabi ko sa kanya, kailangan by the end of the year masabi na natin na lahat na nang cities and municipalities ay nabigyan na natin nitong Patient Transport Vehicle.” dagdag ng Pangulo.


Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. na isa ang bayan ng Asingan mula sa tatlumpong (30) benepisyaryo mula sa Ilocos Region na nabigyan ng bagong PTV.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top