Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

BARANGAY SOBOL, NABIGYAN NG ISANG POGPOG MULA SA LGU ASINGAN

Feb
4,
2021
Comments Off on BARANGAY SOBOL, NABIGYAN NG ISANG POGPOG MULA SA LGU ASINGAN

BARANGAY SOBOL, NABIGYAN NG ISANG POGPOG MULA SA LGU ASINGAN
Ngayong araw ay namahagi ng isang improvised Hand tractor o PogPog ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr at Vice Mayor Heidee Chua, sa barangay Sobol.
“Actually yun [Pogpog] yung counterpart ng LGU doon sa ating clean and green program most specially sa pag iimplement natin ng material recovery facility. Yun yung gagamitin nilang pangkolekta ng residual sa mga bahay at gagamitin pang punta sa MRF ng barangay” pahayag ni Mayor Lopez.
Layon ng pamimigay ng kagamitan na bigyang suporta ang mga barangay upang mas maging maayos ang kani-kanilang mga Material Recovery Facility.
“Regarding sa serbisyo natin, dire-diretso naman yan kasi nga ang Sangguniang Bayan at ang opisina ng Municipal Mayor ay nagkakaisa para sa mas maganda at mas makabuluhan na mga proyekto. Basta kung nakikita naman natin na okay, walang humaharang, ganun yun kagandahan kapag nagkakaisa ang Executive at Legastive” ani Vice Mayor Chua.
Lubos naman na nagpasalamat sa lokal na pamahalaan ang barangay Sobol dahil sa bagong bigay na kagamitan.
“Ako po’y nagpapasalamat lalong lalo na po sa ating butihing Mayor, kay Vice Mayor thank you very much. Salamat at mayroon na kaming gagamitin pangkolekta ng basura sa barangay at service na din ng barangay kung may pupuntahan yung mga barangay officials.” Pagpapasalamat ni Virgilio Soberano, Punong Barangay ng Sobol.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top