Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Barangay Sanchez tumanggap ng bagong patrol trisikel mula LGU Asingan

Jul
20,
2020
Comments Off on Barangay Sanchez tumanggap ng bagong patrol trisikel mula LGU Asingan

Barangay Sanchez tumanggap ng bagong patrol trisikel mula LGU Asingan
Ipinagkaloob nitong umaga ng LGU Asingan sa pangunguna ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr ang multi-purpose vehicle sa barangay Sanchez.
.

“Pwede sa MRF, pwede sa pag patrol, makakatulong sa barangay nila magbigay ng serbisyo sa pagkolekta ng mga residual sa mga kabahayan yung lata, plastik, isako nila then ilagay nila sa trisikel kesan naman ilagay nila sa pogpog mahirap yun” pahayag ng alkalde.
Ang bagong 3-wheel motorcycle ay mula sa development fund ng Municipal Development Council para sa taong ito.
Masaya naman na tinanggap ni Barangay Sanchez Punong Barangay Jerry Cariaga ang bagong sasakyan.
“Tuwang tuwa ang mga kabarangayan ko sa Sanchez kasi nagkaroon kami ng magandang patrol. Yung MDC naming, yung developement fund ng munisipyo na ibinigay sa amin na P300,000 nag allocate ako ng para sa patrol naming. Yung natira para sa MRF namin para may basurahan kami sa barangay Sanchez. Maraming salamat po Mayor!” saad ni Cariaga.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top