Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Bagong silang na baby sa taong 2020 swerte!

Jan
5,
2020
Comments Off on Bagong silang na baby sa taong 2020 swerte!

Bagong silang na baby sa taong 2020 swerte! Gastos sa RHU Asingan LIBRE hatid ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pamumuno ni Mayor Carlos Lopez Jr.

ISANG malusog na sanggol na lalaking pinangalanang “baby Mark Oliver” ang ipinanganak mismong alas-12 ng hatinggabi noong January 3 sa Rural Health Unit ng Asingan. Siya ang unang sanggol na pinanganak sa loob ng Asingan at unang baby na makakatanggap ng libreng panganganak mula sa RHU.

Si baby Mark ay pangalawang anak ng mag asawang Katherine Bialza Almogela at Marvin Almogela ng Barangay Carosucan Norte.

Ayon sa pamunuan ng Rural Health Unit ng Asingan, “LIBRE” ang panganganak sa kanilang pasilidad basta taga Asingan,DAPAT ay ito ay pangalawa o second baby na at “Mayroong” Philhealth.

Maari pa din naman magamit ang Birthing Center sa panganganak ang mga walang “Philhealth” sa pamamagitan ng pagbayad ng minimal na halagang Php 2,500.

Ito ang ilan sa mga dapat tandaan:

Dapat ikaw ay miyembro ng PhilHealth Member upang ma-avail ang libreng serbisyo.

*pangalawang anak hanggang pang apat na anak lamang
*edad 19-35
*hindi na-ceasarian

For non-Philhealth patients:

Asingan Resident: Php 2,500
Non Asingan Resident: P3,000

For more info visit our RHU 1 Birthing Facility near Asingan Municipal Hall.

Zenaida Gamez

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top