Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Bagong Fire Marshall ng Asingan, Isa sa Pinakabatang Naupong Hepe ng BFP Sa Rehiyon Uno

Sep
19,
2023
Comments Off on Bagong Fire Marshall ng Asingan, Isa sa Pinakabatang Naupong Hepe ng BFP Sa Rehiyon Uno

Bagong Fire Marshall ng Asingan, Isa sa Pinakabatang Naupong Hepe ng BFP Sa Rehiyon Uno

Pormal ng umupo bilang bagong Fire Marshal ng Asingan Fire Station ang 30 anyos na dalagang si Fire Senior Inspector (FSINSP) Rizelle Anne R. Paltao na tubong Nueva Ecija.
Pinalitan ni Fire Senior Inspector Paltao si dating Fire Marshal Fire Inspector Wilfredo Nardo na nakatakdang magre-retiro sa serbisyo ngayong taon.
Bago manungkulan bilang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP)Asingan, si Fire Senior Inspector Paltao ay naging dating tagapagsalita ng BFP Ilocos Regional Office taong 2021 hanggang 2022.
Ayon sa kanya, lalo pa nitong paiigtingin ang fire safety awareness sa mga komunidad bilang paghahanda na rin sa sunod sunod na mga event ngayong BER month hanggang bagong taon.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top