Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

Asingan Ministers Fellowship nanguna sa selebrasyon ng National Bible Month 2020

Jan
27,
2020
Comments Off on Asingan Ministers Fellowship nanguna sa selebrasyon ng National Bible Month 2020

Asingan Ministers Fellowship nanguna sa selebrasyon ng National Bible Month 2020; RHU Asingan At Samahang Ilokano pinarangalan sa ambag na dugo. RHU Asingan nagpalabas ng abiso tungkol sa sakit na Coronavirus.

Bilang pagdiriwang ng National Bible Month ngayong 2020 namigay ng bibliya ang Asingan Ministers Fellowship sa mga lider ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr at Vice Mayor Heidee Chua kasama ang mga nasa PNP at BFP.

Dahil sa patuloy at puspusang pagpapalawak ng Community-Based Mobile Blood Donation Program sa Asingan, pinarangalan ng Center for Health Development Region 1 sa ialim ng National Voluntary Blood Services Program. Sa kanilang patuloy na pag-ambag ng dugo na maging daan para sa pagsalba at madugtungan ang buhay ng mga taong nangangailangan nito.

Nagpalabas naman ng paalala ang Rural Health Unit of Asingan (RHU) sa publiko para makaiwas sa Coronavirus. Ayon sa abiso ang coronavirus ay kapamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t ibang mga sakit mula sa karaniwan lamang na ubo at sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon.

Arya Asenso Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top