Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Asingan Hataw Sayaw 2023 Zumba Dance Competition

Nov
12,
2023
Comments Off on Asingan Hataw Sayaw 2023 Zumba Dance Competition

Magkakaibang indak, kanya-kanyang galaw, ito ang ipinamalas ng iba’t ibang mga grupo na sumali sa Asingan Hataw Sayaw 2023 Zumba Dance Competition na kinabilangan ng mga guro at mga empleyado ng munisipyo.
Nagmistulang isang malaking zumba class ang public plaza nang humataw na sa dance floor ang napakaraming participants na karamihan ay mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Asingan.
Tinanghal na kampeon ang Luciano Millan National High School habang 1st runner up ang LGU Asingan at 2nd runner up naman ang Angela Valdez Ramos National High School.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangugnuna ni Mayor Carlos Lopez Jr. katuwang si Vice Mayor Heidee Chua. ng mas magagandang aktibidad ngayong Disyembre sa tulong na rin ng Tourism office sa ilalim ni Michael Soliven.

 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top