Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ASINGAN CUP AARANGKADA NA SA OKTUBRE 12

Sep
26,
2019
Comments Off on ASINGAN CUP AARANGKADA NA SA OKTUBRE 12

ASINGAN CUP AARANGKADA NA SA OKTUBRE 12; LIBRENG UNIFORM AT BOLA SA BAWAT BARANGAY SWAK SA BAWAT KOPONAN!

Asingan Cup: Paliga para sa lahat

Sa kakatapos lamang na unang meeting ng liga naupo bilang Commissioner si konse Johnny Mar Agunias Carig at kasama din bilang sports coordinators ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Magiging katuwang naman sina Mayor Carlos Lopez Jr at Vice Mayor Heidee Chua ng paliga.

Sa nasabi naman na torneo mamimili ang posibleng magiging player na isasabak para sa Governors Cup. Kung saan ang makukuha ay mabibigyan ng LIBRENG UNIFORM, SAPATOS, ALLOWANCE AT PAGKAIN. Ayon sa mensahe ni Mayor Lopez tutukan niya personal ang nasabing mapipiling mga player na magrerepresenta para sa ating bayan.

FIBA Cup rule naman ang gagamitin para sa torneo, edad dise sais ang pipiliin pataas para sa barangay level habang dise otso pataas naman para sa sectoral.

At biglang parte ng exhibition game ay dadayo ang Arellano University Chiefs Baskteball Team ng NCAA mula kay Mr. Alex Tanwangco na tubong Asingan, Pangasinan.

Dumalo din sa nasabing meeting sina konse Mel Franada Lopez, konse Melchor Cardinez at PPSK President Fiel Xymond Cardinez.

Arya Asenso Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top