Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Ariston West, may bago ng Barangay Hall

Jul
22,
2020
Comments Off on Ariston West, may bago ng Barangay Hall

Ariston West, may bago ng Barangay Hall!
Isinagawa ngayong araw ng Miyerkules ang blessing at turn-over ceremony ng dalawang palapag na bagong barangay hall ng Ariston West na handog ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr., Bise Mayor Heidee Chua at miyembro ng Sangguniang Bayan.

“Noong pinalitan ko po ang yumaong natin punong barangay Diccion tapos sinabi ni Mayor kung anong request ko po, ang unang pumasok sa utak ko po talaga yung barangay hall kasi nakakainggit na po kasi yung iba po may two story na barangay at finally nga po yung dream po naging reality na” pahayag ni Ariston West Punong Barangay Roy Castner Chan.
Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr., ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso. Ang pondo ay hinugot mula sa 20 percent development fund ng LGU Asingan.
“Nagpapasalamat ako una kay God kasi thru kay Mayor. Isa po kami sa nabiyayaan ng newly constructed barangay hall so itong building na ito magsisilbing inspirasyon po sa amin para po pagbutihan pa po namin ang serbisyo namin siyempre.” saad ni Chan
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top