Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Lolong Nagtapos Bilang Electrician sa TESDA, Kabilang sa mga Nabiyayaan ng Tool Kit ng DOLE Region 1

Sep
12,
2023
Comments Off on Lolong Nagtapos Bilang Electrician sa TESDA, Kabilang sa mga Nabiyayaan ng Tool Kit ng DOLE Region 1

Lolong Nagtapos Bilang Electrician sa TESDA, Kabilang sa mga Nabiyayaan ng Mamahaling  Tool Kit ng DOLE Region 1

Sabi nga nila, age is just a number. Patunay diyan si lolo Franklin Morla mula sa bayan ng Asingan.
Sa edad na 65 taong gulang, si lolo Franklin ay kumuha at nagtapos ng kursong Electrical Installation at Maintenance NC II sa ilalim ng programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) LMMSAT.
“Grateful ako kasi nakuha ko itong kurso na ito kasi additional talent sa akin, kahit na matanda na ako yung knowledge naman hindi sa edad eh. Kaya ko kinuha itong kurso na electrical kasi gusto ko pang ma-explore yung knowledge ko sa construction basis specially sa electrical. Saka kung meron problema sa bahay, mga switches, ilaw at saka mga installation ng kuryente pwede ko ng gawin hindi na ako kukuha ng electrician ako na mismo gagawa,” pagbabahagi ni lolo Franklin.
Kasama siya sa 20 TESDA scholars na nabigyan ng Electrical and Maintenance (EIM) tool kit ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1, nitong araw ng Martes.
“Alam niyo itong programang ito is nakapahalaga, ito rin po ang life saving tools. We are very fortunate actually because the line agencies of the government is working hard to give us trainings para makalaban po tayo sa hamon ng lipunan, ” pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Ang bawat tool kit ay naglalaman ng electrical drill, clamp, heat gun, PVC pipe cutter, grinder at iba pang kagamitan na nagkakahalaga ng halos P30,000.
“Lahat sila pwedeng gumawa ng livelihood. Worth 30 thousand yung tool kit nila kumpleto. Pwede nang mangontrata at yung starter tool kit na yun makakagawa ka na ng isang bahay, ang ibabayad sayo worth ten to 20 thousand. Imagine ang ibinigay na puhunan ng TESDA – skills eh, pero ang DOLE nakapag isip siya na bigyan natin ito ng quality na tool kits,” saad ni TESDA Provincial Director Rolando Dela Torre.
Sa kabuoan ay umabot sa P595,800 ang naipamahaging starter kit sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).
Ang DILEEP ng DOLE ay nagbibigay ng alternatibong trabaho sa mga mahihirap, vulnerable, at marginalized workers.
“After the [TESDA] training we provide the starter kit, para ito na yung magiging umpisa nila na magnegosyo na. Kasi yun naman ang purpose ng pagbigay natin ng assistance is actually employment— employment yung ating goal. So through this one, trained na sila pwede sila locally ma-employ or pwede na rin sila ma-employ overseas di ba? Yun naman ang kagandahan nun,” ayon kay DOLE Region 1 Assistant Regional Director Honorina Baga.
Ayon pa kay ARD Baga ay nasa mahigit 3,000 na ang naging benepisaryo ng DILEEP sa rehiyon ngayon taon.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ay sina Coucilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Senior Labor And Employment Officer Rizalina Aying, Vocational School Administrator III Jesus Salagubang ng TESDA LMMSAT at Mary Antonette Tobias-Avila, head ng DOLE Eastern Pangasinan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top