Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

NUTRISYON NG MGA BATA NGAYONG PANDEMIC, TINUTUKAN NG LGU ASINGAN

Oct
29,
2020
Comments Off on NUTRISYON NG MGA BATA NGAYONG PANDEMIC, TINUTUKAN NG LGU ASINGAN


NUTRISYON NG MGA BATA NGAYONG PANDEMIC, TINUTUKAN NG LGU ASINGAN
Muling nagsagawa ng feeding program ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan at District Councilor na si konse Marivic Salagubang Robeniol sa barangay San Vicente West at San Vicente East, kamakailan.
“Pinatawag po kami ni Mayor two weeks para sa feeding program po na ito, next next week po siguro tutuloy tuloy naman natin ang pamimigay ng vitamins sabi ni Mayor.” pahayag ni Fiel Xymond Cardinez, Sangguninang Kabataan President ng Asingan.
Target ng LGU Asingan na ang nasa limang libong bata na lumahok sa feeding program.
“Yung fund niyan, galing sa Nutrition progam ng LGU. Layunin natin na mapaganda natin yung antas ng magandang kalusugan ng mga bata at the same time ma-eliminate natin yung malnutrition sa ating bayang Asingan. Sa feeding program, dapat lahat mabibigyan– may pandemya man o wala, ganyan uli.” ayon sa alkalde.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top