Mga Estudyante Mula sa Angela Valdez Ramos NHS, Kabilang sa sasabak sa Palarong Pambansa 2025
Determinado ang walong mag aaral mula sa Angela Valdez National Highschool na kabilang sa Sepak Takraw Team na kakatawan para sa Rehiyon Uno na makasungkit ng medalya sa nalalapit na Palarong Pambansa 2025 sa Mayo 24 – Hunyo 2, 2025 sa sa Laoag City, Ilocos Norte.
Kaugnay nito ay nagpaabot ng buong suporta si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong jersey at sapatos sa team.
Buo ang tiwala ng alkalde sa kakayahan ng mga batang atleta, kung kaya’t ibinahagi nito sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagtutok sa pangarap, disiplina, at determinasyon upang magtagumpay.
Nagpaunlak din sa nasabing okasyon si 3-term Vice Mayor Heidee Ganigan-Chua.