Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Agcallong Festival Pagdiriwang ng Pagkakaisa at Pasasalamat sa Barangay Macalong

May
26,
2025
Comments Off on Agcallong Festival Pagdiriwang ng Pagkakaisa at Pasasalamat sa Barangay Macalong

Agcallong Festival. Pagdiriwang ng Pagkakaisa at Pasasalamat sa Barangay Macalong

Makulay at masaya ang matagumpay na pagdiriwang ng ikalawang “Agcallong Festival” ng barangay Macalong.
Ang tatlong araw na selebrasyon ay naging daan upang ipakita ang pagkakaisa at pasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga kababayan sa mga opisyal ng barangay. Ang pagdiriwang na ito ay nagbigay din ng pagkakataon sa mga residente na makapag-bonding at mag-enjoy sa mga aktibidad na inihanda para sa kanila.
Tampok sa pagdiriwang ang pagsalo-salo ng nasa dalawaang daan (250) kilo ng karne ng baboy na niluto ng iba’t-ibang putahe gaya ng pork humba, igado, adobo, dinuguan, chopsuey at bihon pancit guisado. Nilantakan ito ng mga residente ng barangay Macalong at maging mga taga kalapit-barangay.
Ang matagumpay na pagdiriwang ng Agcallong Festival ay patunay na ang pagkakaisa at pagtutulungan ay mahalagang bahagi ng kultura ng barangay Macalong.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, nagpasalamat ang mga opisyal ng barangay sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa Agcallong Festival. Hinangad din nila na sana’y maging mas matagumpay pa ang mga susunod na pagdiriwang.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top