Nasunugan sa Coldit, Hinatiran ng Tulong ni Vice Mayor Heidee Chua
Agad na nagtungo si Asingan Vice Mayor Heidee Chua sa naapektuhan ng sunog sa barangay Coldit. Ito ay upang alamin ang sitwasyon ng biktima at upang kamustahin ang kanyang kalagayan.
Sa kaniyang pagbisita ay nagpaabot ito ng personal na tulong.
Tiniyak ng Bise Mayor sa mga mamamayan na nananatiling nakatuon ang local na pamahalaan ng Asingan sa pagtulong sa mga nangangailangang komunidad lalong lalo na sa mga ganitong sitwasyon ng krisis.
Bilang bahagi ng response efforts ng LGU Asingan, mamimigay naman ang Municipal Social Welfare and Development Office ng hiwalay na cash assistance sa bawat apektadong pamilya.