Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 11, 2025 ang voter’s registration para sa mga bagong botante.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang registration ay bilang paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Kasabay nito, inanunsyo rin ng Comelec na hindi na nila tatanggapin ang barangay certificate bilang patunay ng paninirahan dahil ginagamit umano ito ng ilang opisyal ng barangay upang manipulahin ang proseso ng pagpaparehistro.
Bilang alternatibo, tatanggapin na ngayon ng Comelec ang iba’t ibang uri ng ID bilang patunay ng paninirahan, kabilang na dito ang postal ID, senior citizen’s ID, at student’s ID.
Hinimok ng ahensya ang publiko, lalo na ang mga kabataang edad labinglima (15) pataas para sa SK elections at mga edad labing walo (18) pataas para sa barangay elections, na samantalahin ang pagkakataong ito upang maiparinig ang kanilang boses sa darating na halalan.
Target ng Comelec na makapagtala ng hindi bababa sa 1 milyong bag