Bayan ng Asingan, Kinilala Bilang isa sa Pinakaayos sa Pagpapatupad ng Feeding Program ayon sa DSWD Region 1
Patuloy ang pag-ani ng pagkilala nang bayan ng Asingan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Teresa Mamilio makaraang kilalanin bilang isa sa Best Implementing Local Government Units sa Supplementary Feeding Program (SFP) sa rehiyon uno.
Nasa 1,200 na mga bata mula sa child development centers ang nabe-benipisyuhan ng 120-day Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 sa bayan ng Asingan.
Kabilang sa mga ipinamahagi sa 25 child development workers ay bigas, gatas, itlog, tinapay , prutas, gulay, yogurt drink, harina, oatmeal, cereal, palaman, veggie noodles, karne ng baboy at manok.
Layon ng programa na malabanan ang malnutrisyon para sa edad tatlo at apat na taong gulang.