Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Bayan ng Asingan, Bibigyan ng Pinakamataas ng Pagkilala sa Kampanya Laban sa Iligal ng Droga

Jun
3,
2025
Comments Off on Bayan ng Asingan, Bibigyan ng Pinakamataas ng Pagkilala sa Kampanya Laban sa Iligal ng Droga
*/
Bayan ng Asingan, Bibigyan ng Pinakamataas ng Pagkilala sa Kampanya Laban sa Iligal ng Droga
Sa katatapos lamang na pagpupulong ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ngayong Martes ng umaga ay inanunsyo ni PMaj. Katelyn May Awingan, hepe ng PNP Asingan na kabilang ang bayan ng Asingan sa walong bayan sa Pangasinan na mabibigyan ng prestihiyosong ‘Balangay Seal of Excellence’ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 ngayong buwan ng Hunyo.
Ang ‘Balangay Seal of Excellence’ ay ang pinakamataas na pagkilalang iginagawad ng PDEA sa mga bayan na naideklarang drug cleared ang lahat ng kanilang mga barangay.
August, 2023 ng pormal na idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 ang Asingan bilang drug cleared municipality.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top