Sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na pinangunahan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ay tinalakay ang mga problema at solusyon upang mas mapaigting ang kahandaan sa posibleng pagtaas ng tubig-baha sa mga low-lying areas dala ng mga bagyo.
Ayon kay Mayor Lopez Jr., may karagdagang bagong backhoe na magagamit upang masigurong maayos ang pagdaloy ng tubig at upang mabawasan ang banta ng pagbaha.
Dumalo din sa pagpupulong sina Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Dr. Jesus Cardinez, Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon at mga Punong Barangay.
Nagpaalala naman ang alkalde na maging alerto at maging handa sa anumang oras upang masigurong ligtas ang bawat isa sakaling may manalasang bagyo sa bayan.