Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

7 Brgy Multi Purpose Hall, Isinaayos sa Ilalim ng Administrasyon ni Mayor Lopez Jr

Feb
2,
2023
Comments Off on 7 Brgy Multi Purpose Hall, Isinaayos sa Ilalim ng Administrasyon ni Mayor Lopez Jr

?????? ???????? ????? ??????? ????, ????????? ?? ?????? ?? ?????????????? ?? ????? ????? ??.
Pormal nang nai-turn over nitong nakaraang linggo ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr ang isang bagong multi-purpose building na magagamit ng mga barangay officials sa barangay Poblacion East sa pangunguna ni Punong Barangay Melchor Cardinez Jr.
“Actualy naobserbahan naman ninyo compared to other barangays, itong dalawang barangay hall na lang Poblacion East at Poblacion West ang hindi pa nabibigyan ng pansin at hindi pa naayos. So siyempre as my advocacy on my administration na lahat ng mga barangay facility ma-improve in order to provide an increase basic service to our constituent kaya natin ginawa yan.” pahayag ng alkalde.
Ang dalawang palapag na bagong multi-purpose building ng Poblacion East ay mula sa Internal Revenue Allotment o IRA ng LGU para sa taong 2022 na nagkakahalaga ng 2.5 milyong piso.


Nasa pitong multi-purpose building na ang naiayos sa ilalim ng adminstrasyon ng alkalde.
“Isa pang reason niyan is to inspire our barangay councils to improve there services also, kasi kapag naimprove yung facilty. The same time sigurado yan parang chain reaction yan na improve din yung quality ng services sa kanilang nasasakupan.” ani ni Mayor Lopez.
Sa kasalukuyan ay on-going na rin ang ginagawang bagong barangay hall ng barangay Sobol, sa tulong na rin at pondo ni 6th District Congresswoman Atty. Primicias-Agabas.
Dumalo sa blessing, turn-over at inagurasyon ng mga bagong istruktura sa Barangay Poblaciona sina Councilor Joselito Viray at Councilor Mel Lopez.

 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top