PItong Barangay sa Bayan ng ASingan, Kinilalal ng DILG Dahil sa Pagbibigay ng De-Kalidad na Serbisyo sa Kanilang Nasasakupan
Kinilala ng Department of the Interior and Local Government o ng DILG ang Barangay Ariston East, Baro, Bobonan, Cabalitian, Palaris, Poblacion West at Toboy bilang National Passer ng 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG).
Ang Seal of Good Local Governance ay isang pambansang parangal na iginagawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga yunit ng pamahalaang lokal na nagpapakita ng epektibong pamamahala, transparency, at de-kalidad na serbisyo para sa kanilang mga mamamayan.
Sa ilalim ng termino ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kasama si Vice Mayor Heidee Chua katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan ay naibibigay ang mahusay na paggamit ng pondo, pagpapatupad ng mga programa sa kalusugan, edukasyon, disaster preparedness, at solid waste management.