Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

60 ASINGANIANS, TUMANGGAP NG SALARY PAYOUT

Jul
11,
2025
Comments Off on 60 ASINGANIANS, TUMANGGAP NG SALARY PAYOUT

60 ASINGANIANS, TUMANGGAP NG SALARY PAYOUT MULA SA LGU ASINGAN AT DOLE EASTERN PANGASINAN


Pinangunahan ngayong umaga ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. katuwang si Rizalina Aying ng Public Employment and Service Office (PESO) ang pagbibigay ng pay-out sa animnapu (60) benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES).
Ang SPES ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang mga Local Government Unit (LGU) na naglalayong suportahan ang mga kwalipikadong mag-aaral at out-of-school youth (OSY) sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang trabaho habang sila ay nag-aaral.
Kabilang sa mga pwedeng maging benepisyaryo ng programa ay mga indibidwal na edad 15 hanggang 30.
Sa ilalim ng programa, 60% ng sahod ng mga benepisyaryo ay magmumula sa pondo ng LGU samantala ang natitirang 40% naman ay sasagutin ng DOLE.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top