Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

60 Asinganians, Pasok sa SPES ng LGU Asingan

May
26,
2025
Comments Off on 60 Asinganians, Pasok sa SPES ng LGU Asingan
 
60 Asinganians, Pasok sa SPES ng LGU Asingan
Pinangunahan ngayong umaga ni Acting Asingan Mayor Heidee Chua katuwang si Rizalina Aying ng Public Employment and Service Office (PESO) ang orientation para sa animnapu (60) benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES).
Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ating mga piling mag-aaral at out-of-school youth (OSY) mula sa ating bayan.
Malaking tulong ito upang ang ating mga kabataan ay maging produktibo, makatulong sa pamilya at isa ring oportunidad upang makapag-ipon habang hindi pa nagsisimula ang pasukan.
Ayon sa alkalde malaking tulong ang nasabing programa dahil bukod sa magkakaroon sila ng karagdagang pinansyal ay madadagdagan din ang kanilang karanasan at kaalaman sa pagtatrabaho.
Si Vice Mayor Heidee Chua ay magsisilbing alkalde ng Asingan habang nagbabakasyon si Mayor Carlos Lopez Jr.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top