21 Barangay ng Asingan Nanatiling 100% Drug Cleared Ayon sa PDEA Pangasinan
Muling nakatanggap ng Resolution for Retention of its Drug-Cleared Status mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang dalawampu’t isang (21) barangay ng bayan ng Asingan dahil na rin pagpapanatili na walang presensya at aktibidad ng iligal na droga sa mga nabanggit na lugar para sa taong 2022.
“Meaning na maintain nila yung kanilang pagiging drug cleared barangay hindi sila affected and then naka comply sila sa mga documentary requirements, yearly yan nag aayos sila ng kanilang requirement.” saad ni PDEA Provincial Officer Investigation Agent V Rechie Q. Camacho.
Dagdag pa ni PDEA Provincial Officer Camacho ay nasa nobenta posyento (90%) na ng mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan ang drug cleared habang mahigit isangdaan na lang dito ang hindi pa.
Samantala, mahigpit naman na pinaalalahan ni Mayor Lopez Jr. ang publiko na maging mapagmatyag at iulat sa kinauukulan ang sinumang kahina-hinalang tao o aktibidad.
“Nanagawan ako sa lahat ng ating mga kababayan, na ipagbigay alam kung mayroon na kayong nakikita na meron ng transakyon [sa iligal na droga], ipagbigay alam po sa aking opisina o kaya sa opisina po ng ating mga punong barangays o dito sa opisina ni Police Major Awingan. Para masugpo natin agad at hindi na kumalat at maprotektahan ang ating mga kababayan at lalong lalo na yung mga kabataan.” dagdag ng alkade.
Kabilang din sa mga dumalo sa isinagawang awarding ng Resolution for Retention of Drug-Cleared Status ng mga barangay sa opisina ng PDEA Pangasinan sina Police Major Katelyn May Awingan ng PNP Asingan, Dr. Jesus Cardinez ng MDRMMO, Municipal Local Government Operations Officer Catherine Velasquez ng DILG Asingan at opisyales ng mga barangay