Ginanap ngayon araw March 25 , ang 1st Quarter Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), sa pamumuno ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kasama si Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Dr. Jesus Cardinez.
Kabilang sa mga pinag-usapan ng konseho ang paghahanda sa darating na Semana Santa, Contingency Plan tuwing may kalamidad gawa ng pagbabaha, bagyo, lindol at Covid-19.
Layon ito matalakay ang mga mahahalagang hakbang upang mapanatili ang kahandaan at kaligtasan ng bayan ng Asingan sa anumang sakuna.
Nakibahagi rin dito sina Municipal Local Government Operations Officer (LGOO) Brechie Jane Arellano, Community Affair Assistant II Dr. Crispin Villanueva, LDRRMO I Michael Soliven, mga Department Heads, PNP, BFP, kinatawan ng iba’t ibang orginisasyon at mga Punong Barangay.