Isinagawa kahapon February 24 ang 1st Quarter joint Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) meeting na pinangunahan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Pangunahing pinag-usapan dito ay ang peace and order situation ng bayan, kasunod nito ang mahigpit na paalala ng alkalde sa mga Punong Barangay upang mas lalo pang paigtingin ang laban sa iligal na droga.
Samantala ibinahagi naman ng Asingan Municipal Police Station (MPS) ang mga operational accomplishments nila sa nakalipas na mga buwan.