Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

𝐏𝐀𝐌𝐈𝐌𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐔 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝐀𝐍𝐈𝐌 𝐍𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐓𝐎, 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀

Sep
21,
2021
Comments Off on 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐌𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐔 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝐀𝐍𝐈𝐌 𝐍𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐓𝐎, 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀

𝐏𝐀𝐌𝐈𝐌𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐔 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝐀𝐍𝐈𝐌 𝐍𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐓𝐎, 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀


Maagang pa lang ay nakapila na ang mag asawa Catherine at Jordan Hilario kasama ang kanilang tatlong anak.
Nabalitaan kasi nila na mamimigay ngayong araw ng libreng anti flu vaccine sina dating Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas at Congressman Tyrone Agabas katuwang ang Department of Health (DOH) at ang Eastern Pangasinan District Hospital (EPDH).
“Malaking tulong na po ito para sa aming pamilya dahil dito makakaiwas ang aking mga anak sa sakit at saka sa budget na rin po.” pahayag ni Catherine Hilario mula sa barangay Cabalitian.
Ayon sa panayam kay 6th District Congressman Tyrone Agabas, patuloy na nagsasagawa ang kanyang opisina ng mga bagong paraan para makapaghatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa distrito kabilang na dito ang pamimigay ng inisyal na sampung libong (10,000) libreng bakuna laban sa flu.
“Kina sir Tyrone Agabas at saka kay madam Marlyn Agabas po, maraming maraming salamat po sa inyo madam dahil napakalaking tulong itong sinagawa niyong flu vaccine dito po sa bayan ng Asingan marami po kayong natulungan na mga pamilya.” dagdag ni Hilario.
Kabilang ang pamilya Hilario sa isanglibo at tatlong daan residente ng Asingan na nakatanggap ng anti flu vaccine.
Susunod naman na pupuntahan ng mag-asawang Congressman Agabas ang bayan ng San Manuel.
Romel Aguilar / Photo JC Aying

 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top