Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

ππ€πƒπ˜π€πŠ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π“π”π‘πˆπ’πŒπŽ, πˆπƒπˆππ€πŽπ’ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π

Sep
28,
2022
Comments Off on ππ€πƒπ˜π€πŠ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π“π”π‘πˆπ’πŒπŽ, πˆπƒπˆππ€πŽπ’ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π
ππ€πƒπ˜π€πŠ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π“π”π‘πˆπ’πŒπŽ, πˆπƒπˆππ€πŽπ’ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π
Mahigit sa dalawandaang bike enthusiast ang nakiisa sa Pennidalan 8: Mountain Bike Cross Country Challenge ng Team Bangad at Tourism Office ng bayan ng Asingan nito lamang linggo ng umaga.
Ito ay bilang pakikiisa sa selebrayon ng World Tourism Month.
“As an avenue para ma-promote natin ang tourism ng Asingan, napag isipan natin yung bike tourism kasi madaming mga bikers dito sa Asingan iba’t ibang teams na.” ani ni Municipal Tourism Officer Mike Soliven.
Nakilahok din sa naturang torneo ang mga siklista mula sa Baguio City, Pampanga, Nueva Vizcaya at La Union.
“Yung mga bikers sa ibang lugar sabi nila pang international yung bike trail na nasa sitio Cabaruan and yun nga sabi ni Mayor [Lopez Jr.] susuportahan niya yung bike tourism.” dagdag ni Soliven.
Bahagi din ng aktibidad para sa paggunita sa National Tourism Month ay ang idaraos na Asingan Hataw Sayaw 2022 Zumba Competition na kabibilangan ng mga guro, empleyado ng munisipyo at iba pa na magaganap naman sa September 30.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top