Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

πŒπ†π€ π‚π‡πˆπŠπˆπ“πˆππ† 𝐒𝐀 π€π’πˆππ†π€π , ππ€ππ„ππ„ππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐒𝐀 ππ€ππ“π€π˜ πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π π…π„π„πƒπˆππ† ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐍𝐆 ππ‘πŽπ•πˆππ‚πˆπ€π‹ π†πŽπ•π„π‘ππŒπ„ππ“

Sep
6,
2022
Comments Off on πŒπ†π€ π‚π‡πˆπŠπˆπ“πˆππ† 𝐒𝐀 π€π’πˆππ†π€π , ππ€ππ„ππ„ππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐒𝐀 ππ€ππ“π€π˜ πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π π…π„π„πƒπˆππ† ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐍𝐆 ππ‘πŽπ•πˆππ‚πˆπ€π‹ π†πŽπ•π„π‘ππŒπ„ππ“

πŒπ†π€ π‚π‡πˆπŠπˆπ“πˆππ† 𝐒𝐀 π€π’πˆππ†π€π , ππ€ππ„ππ„ππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐒𝐀 ππ€ππ“π€π˜ πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π π…π„π„πƒπˆππ† ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐍𝐆 ππ‘πŽπ•πˆππ‚πˆπ€π‹ π†πŽπ•π„π‘ππŒπ„ππ“
Pinangunahan kamakailan ni First Lady Maan Tuazon-Guico, may bahay ni Pangasinan Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang Bantay Kalusugan feeding program para sa mga chikiting ng Barangay Poblacion East at Poblacion West.
“Sobrang saya namin na makapiling kayong lahat, gusto po naming iparamdaman sa inyo na kami po ay naiiba. Hayaan niyo po kami na ipakita sa inyong lahat ang pagmamahal naming mag asawa [Governor Mon-Mon Guico] sa inyong lahat dito sa Pangasinan at lalong lalo na siyempre dito sa Asingan.”ani ng Unang Ginang.

Ang Bantay Kalusugan feeding program ay kabilang sa mga proyekyo ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na naglalayong matiyak ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga kabataang Pangasinense.

“Dahil ang programa po itong ay naisip namin [Governor Mon-Mon Guico] upang mapasyalan, makasama at makita po ang mga tao po na nangangailangan ng tulong sa ating probinsya. Upang mabigyan po ng pagmamahal galing po sa Provincial, at para malaman po ninyo na hindi po namin kayo nakakalimutan.Pangako ko po sa inyo, hindi po ito ang huling pagkakataong makikita niyo po ako. ” dagdag ni Maan Tuazon-Guico.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr., sa provincial government sa pagkakaloob sa bayan ng Asingan ng nasabing programa na may kinalaman sa pagpapaganda ng kalusugan ng mga kabataan.
“Ganun din po sa ating lokal na pamahalaan, naglaan din tayo ng mga programs para din masuportahan ang kalusugan ng ating mga mag aaral at yung mga kabataan natin. Sana maging continuous ito na gagawin nila para mas lalong makatulong sa ating mga kabataan.” pahayag ng alkalde.
Dumalo rin sa programa sina Provincial Social Welfare and Development Office Annabel Roque, dating San Nicolas Mayor Rebecca Saldivar, Executive Assistant IV Joma Viray, Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Joselito Viray, Councilor Mel Lopez, PPSK President Fiel Xymond Cardinez, barangay officials ng Poblacion East at Poblacion West.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top