Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

πŠπ€ππŠπ€ππ„π π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, ππŽπ’πˆππ‹π„ππ† πŒπ€π“π”π‹πŽπ˜ ππ†π€π˜πŽππ† π‡π”ππ˜πŽ

Mar
7,
2022
Comments Off on πŠπ€ππŠπ€ππ„π π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, ππŽπ’πˆππ‹π„ππ† πŒπ€π“π”π‹πŽπ˜ ππ†π€π˜πŽππ† π‡π”ππ˜πŽ
πŠπ€ππŠπ€ππ„π π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ 𝐍𝐆 π€π’πˆππ†π€π, ππŽπ’πˆππ‹π„ππ† πŒπ€π“π”π‹πŽπ˜ ππ†π€π˜πŽππ† π‡π”ππ˜πŽ
Matapos ang mahigit dalawang taong pamamahinga ay posible nang matuloy ngayong buwan ng Hunyo ang taunang pagdaraos ng Asingan Kankanen Festival, ito ang pahiwatig ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa publiko.
Bunsod na rin ito sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 at pagbaba ng alert status ng rehiyon sa Alert Level 1.
Kabilang sa mga aktibidad sa fiesta ay ang koronasyon ng Mrs. Asingan 2022.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa Asingan Town Fiesta Executive Committee (ATFEC) at sa mga kandidata ng Mrs. Asingan sa pagkonsidera ng paggamit ng kanilang pondo sa pagbili ng Mitsubishi Canter Manlift na nagkakahalaga ng P860,000.
“Nagpapasalamat ako sa ATFEC lalong lalo na sa mga reigning beauties natin, ang ating Mrs. Asingan si Madam Josephine Acain, ang ating 1st Princess Dr. Rosalina Saguiped at ganun din sa ating 2nd Princess Dra. Aurelia Velasco at sa ating chairman Dr. Crispin Villanueva.” ani ng alkalde

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top