Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

π…π€π‘πŒ π“πŽ πŒπ€π‘πŠπ„π“ π‘πŽπ€πƒ 𝐍𝐀 πŒπ€π†πƒπ”πƒπ”π†π“πŽππ† 𝐒𝐀 𝐁RGY 𝐒𝐀𝐍 π•πˆπ‚π„ππ“π„ 𝐖𝐄𝐒𝐓 𝐀𝐓 π‚πŽπ‹πƒπˆπ“

Apr
6,
2022
Comments Off on π…π€π‘πŒ π“πŽ πŒπ€π‘πŠπ„π“ π‘πŽπ€πƒ 𝐍𝐀 πŒπ€π†πƒπ”πƒπ”π†π“πŽππ† 𝐒𝐀 𝐁RGY 𝐒𝐀𝐍 π•πˆπ‚π„ππ“π„ 𝐖𝐄𝐒𝐓 𝐀𝐓 π‚πŽπ‹πƒπˆπ“
π…π€π‘πŒ π“πŽ πŒπ€π‘πŠπ„π“ π‘πŽπ€πƒ 𝐍𝐀 πŒπ€π†πƒπ”πƒπ”π†π“πŽππ† 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐒𝐀𝐍 π•πˆπ‚π„ππ“π„ 𝐖𝐄𝐒𝐓 𝐀𝐓 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π‚πŽπ‹πƒπˆπ“, 𝐏𝐖𝐄𝐃𝐄 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐀𝐍𝐀𝐍
Kamakailan ay personal na binisita at ininspeksyon ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang nasa mahigit isang kilometrong farm to market road na mapapakinabangan ng mga magsasaka sa dalawang barangay sa bayan.
“Patapos na siya nagkonekta na yun yung missing link noon, may mga portion na lang doon sa part ng San Vicente West na hindi pa siya konkreto pero pwede ng daanan. Alam ko yung hangarin din ng mga naunang administrasyon, na gusto nila na mapaiksi yung travel time at hindi na iikot ng malayo yung mga farmers na pupunta sa kanilang bukirin. So from the past administration until sa akin kinontinue ko ito.” pahayag ng alkalde.
Ayon din kay Mayor Lopez Jr. na magsisilbing itong alternatibong ruta para sa pampublikong sasakyan gaya ng tricycle mula sa mga barangay Bobonan, Coldit at Toboy.
Ito ay base sa memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinagbabawal sa national road.
Inaasahan na matatapos ang konkretong daanan ng farm to market road ngayong taon.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top