Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

OFFICE OF THE MUNICIPAL MAYOR Mahal naming mga Kababayan

Oct
7,
2022
Comments Off on OFFICE OF THE MUNICIPAL MAYOR Mahal naming mga Kababayan
OFFICE OF THE MUNICIPAL MAYOR
Mahal naming mga Kababayan,
Nakarating po sa kaalaman ang tungkol sa ilang tao na nagbebenta o nagdedevelop ng mga lupang sakahan bilang residential lots at iba pa ng wala man lang approved development plan at lalo na ang kawalan nila ng Permit to Sell o pahintulot sa pagbebenta ng mga nasabing lupa.
Dagdag pa neto ay hindi din sila registered real estate brokers o salesmen.
Na kapag tinatanong sila ng mga bumibili ay sinasabing inaayos na ang mga nabanggit na dokumento at permit – eto po ay purong kasinungalingan.
Dahil sa gawaing ganito, nababawasan ang ating mga bukid na taniman ng palay at iba pa.
Eto ay magpapalala pa lalo sa kakulangan ng produktong agricultural lalo na ang bigas at mais.
Ang pagdedevelop o pagbebenta ng sakahan ng walang pahintulot ay may karampatang maximum na parusa tulad ng sumusunod:
1. Fine of P20,000.00 and 10 years imprisonment (Section 39 of PD 957);
2. Fine of P20,000.00 and prision correctional – 6 years imprisonment (Section 12 of EO 648)
Dahil dito, tinatawagan lahat, kasama na ang buong Kapulisan, mga Opisyal at kawani ng Munisipyo at ng mga Barangay, CSOs, NGOs at ng buong sambayanan na sugpuin ang ganitong gawain.
Hulihin po natin sila gamit ang “Citizen’s Arrest” pag naaktuhan natin sila sa pagbebenta. At para may ebidensya, maaring gamitin ang celfon sa pagrecord ng ginagawa nila. Dalhin at ireport agad sila sa Pulis.
Umaasa po ako sa inyong pakikiisa.
Local Government of Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top