Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

YAKAP-GAMOT SA MACALONG, TULOY ANG SERBISYONG MEDIKAL

Jul
6,
2026
Comments Off on YAKAP-GAMOT SA MACALONG, TULOY ANG SERBISYONG MEDIKAL

YAKAP-GAMOT SA MACALONG, TULOY ANG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ASINGANIANS

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga barangay matapos dumako sa Barangay Macalong ang PhilHealth YAKAP at Gamot Program sa pagbubukas ng unang Lunes ng buwan ng Hulyo.

Sa isinagawang programa, nabigyan ang mga residente ng libreng konsultasyon, gamot, at gabay kaugnay ng kanilang kalusugan. Pinangunahan ito ng Rural Health Unit of Asingan at Asingan Community Hospital bilang bahagi ng patuloy na paglalapit ng pangunahing serbisyong medikal sa mga mamamayan.

Halos 1,500 residente na ng Asingan ang napagkalooban ng serbisyo sa ilalim ng naturang programa.

Patuloy namang binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng ganitong mga inisyatiba upang masigurong ang pangangalaga sa kalusugan ay abot-kamay, ramdam, at kapaki-pakinabang sa bawat pamilyang Asinganian.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top