Umabot sa 756 mag-aaral mula sa Bobonan Elementary School, Sobol Elementary School, San Vicente West Integrated School, at Ariston East Elementary School ang tumanggap ng PagbaBAGo backpacks ngayong Miyerkules, Nobyembre 5.
Ang pamamahagi ng mga bag ay bahagi ng PagbaBAGo Program ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa pangunguna ni Vice President Sara Z. Duterte, na naglalayong magbigay ng mga pangunahing gamit sa paaralan sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa buong bansa.
Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Carlos Lopez Jr. matapos mapili ang Asingan bilang isa sa mga bayan na nakabilang sa programa. Ayon sa alkalde, malaking tulong ito sa mga batang Asinganian at patunay ng pagkilala sa mga pagsisikap ng bayan sa pagsusulong ng edukasyon.
“Isa itong biyaya para sa ating mga mag-aaral. Sa dinami-dami ng bayan sa Pilipinas, napili ang Asingan — at dapat natin itong ipagmalaki,” ani Mayor Lopez Jr.
















