Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

TESDA, MAY ALOK NA LIBRENG KURSO SA TRAINERS METHODOLOGY, EPAS, AT EVENTS MANAGEMENT

May
6,
2026
Comments Off on TESDA, MAY ALOK NA LIBRENG KURSO SA TRAINERS METHODOLOGY, EPAS, AT EVENTS MANAGEMENT

TESDA, MAY ALOK NA LIBRENG KURSO SA TRAINERS METHODOLOGY, EPAS, AT EVENTS MANAGEMENT

 

Magandang balita para sa mga nagnanais mag-aral at magpalawak ng kanilang kasanayan! Nag-aalok ang TESDA-LMMSAT ng libreng pagsasanay at assessment para sa mga kwalipikadong aplikante.

Tatlong kurso ang available sa mga nais mag-apply, at may limitadong slots na bukas para sa bawat isa:

  1. Trainers Methodology Level I – 25 slots, 33 araw (kinakailangang may valid National Certificate)
  2. Electronic Products Assembly and Servicing NC II – 25 slots, 33 araw
  3. Events Management Services NC III – 25 slots, 14 araw

Ang mga mapapalad na TESDA Iskolar ay magkakaroon ng benepisyo hindi lamang sa libreng pagsasanay at assessment, kundi makakatanggap din ng ₱160 daily allowance.

Magkakaroon ng orientation sa May 25, 2026, Lunes, alas-10 ng umaga, sa TESDA-LMMSAT Function Hall.

Ang mga aplikante ay kinakailangan magdala ng mga sumusunod na dokumento:

• Kopya ng Birth Certificate
• Kopya ng Form 137/138/OTR/ALS Certificate
• 2 pirasong passport size picture na may puting background at may kwelyo

Paalala: Bukas ang programa sa mga indibidwal na may edad 18 taon pataas.

Paalala rin ng TESDA-LMMSAT, sa ngayon ay wala pang available na slots o schedule para sa mga kursong hindi kasama sa listahan.

Patuloy na mag-a-update ang ahensya sa kanilang mga social media accounts para sa mga susunod na impormasyon.

Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-aral ng libre!

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top