Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

SPORTSMANSHIP, MULING IPINAALALA NI MAYOR LOPEZ JR. MATAPOS ANG KOMOSYON SA BARANGAY BASKETBALL

Nov
4,
2025
Comments Off on SPORTSMANSHIP, MULING IPINAALALA NI MAYOR LOPEZ JR. MATAPOS ANG KOMOSYON SA BARANGAY BASKETBALL


Matapos ang komosyon sa larong basketball sa pagitan ng Barangay Poblacion West at Barangay Carosucan Sur noong nakaraang linggo, agad na kumilos si Mayor Carlos Lopez Jr. at nagsagawa ng dayalogo ngayong araw, November 3 upang maayos ang hindi pagkakaunawaan.
Dumalo sa pulong ang dalawang koponan at kanilang mga barangay officials upang linawin ang pangyayari at muling pagtibayin ang pagkakaibigan at disiplina sa bawat laban.


Pinaalalahanan ni Mayor Lopez Jr. ang mga manlalaro na ang tunay na layunin ng palakasan ay pagkakaisa at respeto, hindi kompetisyon na nauuwi sa alitan.
Ayon sa alkalde, bukas ay ilalatag ang magiging desisyon kaugnay ng mga sangkot sa insidente.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top