Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Solar Mobile Computer Truck, naghatid ng kaalaman sa Ariston-Bantog

Sep
1,
2025
Comments Off on Solar Mobile Computer Truck, naghatid ng kaalaman sa Ariston-Bantog

Solar mobile computer truck, naghatid ng kaalaman sa Ariston-Bantog Elementary at High School
Muling umarangkada ngayong linggo ang Solar Mobile Computer Truck sa Ariston- Bantog Elementary School at Ariston- Bantog National High School, dala ang layuning paigtingin ang kaalaman ng mga kabataan sa larangan ng teknolohiya sa pamamagitan ng basic computer literacy training.


Ang proyekto ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Carlos Lopez Jr. at ng lokal na pamahalaan ng Asingan upang maitaguyod ang digital literacy sa mga kabataan upang makasabay sa makabagong teknolohiya.
Layunin din nitong maabot ang mga out of school youth, magulang, ofws, magsasaka at senior citizen upang maturuan ng basic computer literacy.
Ang naturang truck ay isang mobile classroom na kumpleto sa mga gamit pang- kompyuter, at pinapagana ng solar energy.


Sa loob ng isang linggong pananatili ng truck, isinasagawa ang mga interactive na klase na pinangungunahan ng mga volunteer IT instructors mula sa munisipyo.
Bukod sa mga estudyante, may mga sesyon rin para sa mga guro upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top