Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

SICAP-BADAC Pinalalakas ang Kapasidad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council

Sep
12,
2025
Comments Off on SICAP-BADAC Pinalalakas ang Kapasidad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council

SICAP-BADAC Pinalalakas ang Kapasidad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council Sa Bayan Ng Asingan

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga, isinigawa ngayong araw September 12 ang programang Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council o SICAP-BADAC.
Layon nito na palakasin ang kakayahan ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa pagpapatupad ng mga polisiya, programa, at aktibidad na tumutugon sa problema ng droga sa kanilang nasasakupan.
Sa pamamagitan din ng mga pagsasanay at pagbabahagi ng kaalaman ay inaasahang mas magiging epektibo ang BADAC sa pagpigil at paglaban sa illegal drugs.
Samantala, umabot sa dalawandaan at isang (201) barangay officials at barangay appointed personnel ang sumailalim sa surprise drug test.
Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr., ang naturang hakbang ay nagpapakita ng
seryosong intensyon ng lokal na pamahalaan at ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) na maging matatag at kredible ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng mga programa kontra droga.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top