Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

September 2, 2025, ang courtesy call ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC)

Sep
4,
2025
Comments Off on September 2, 2025, ang courtesy call ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC)
Isinagawa nito lamang Martes, September 2, 2025, ang courtesy call ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa tanggapan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Pinangunahan ito ni PLTCOL Richard Agrade, bagong upong Force Commander ng unit na nakatalaga sa bayan ng Tayug.
Layunin ng naturang pagbisita kasama si PCpt. John Ishmart Jose, Officer-In-Charge ng Asingan Police Station na higit pang mapalakas ang ugnayan ng Lokal na Pamahalaan at ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Asingan.
Sa pulong, muling tiniyak ni Mayor Lopez Jr. ang kanyang buong suporta sa mga programa at inisyatiba ng PMFC, alinsunod sa kanyang adbokasiya para sa disiplinado at ligtas na komunidad.
Sa naging pakikipag-ugnayan, tiniyak ng 2nd PMFC ang kanilang buong kahandaan na makipagtulungan sa LGU para sa mga programang nakatuon sa seguridad at kapakanan ng mga residente.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top