Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

San Roque Dam, Tumaas nang 15 Metro ang Tubig sa Loob ng 24 Oras

Aug
10,
2026
Comments Off on San Roque Dam, Tumaas nang 15 Metro ang Tubig sa Loob ng 24 Oras
Nananatiling sarado ang gates ng San Roque Dam sa kabila ng malaking pagtaas ng lebel ng tubig nito, batay sa pinakahuling monitoring ng DOST-PAGASA alas-8 ng umaga nitong Lunes, Agosto 10.
Umakyat sa 254.77 meters ang reservoir water level ng San Roque Dam mula 239.72 meters kahapon, Agosto 9—katumbas ng 15.05 metrong pagtaas sa loob ng 24 oras.
Sa kabila nito, 25.23 metro pa itong mas mababa sa 280-meter normal high water level. Gayunman, nasa 11.74 meters na ito sa ibabaw ng rule curve elevation na 243.03 meters, kaya nananatiling mahalaga ang patuloy na pagbabantay sa kondisyon ng dam.
Samantala, may nakabukas nang 7 gates sa Ambuklao Dam na may kabuuang opening na 3.5 meters, habang 6 gates naman sa Binga Dam ang bukas sa kabuuang 4 meters.
Nasa Flood Watch status din ang Ambuklao-Binga-San Roque sub-basin, ayon sa PAGASA, kaya patuloy na minomonitor ang kondisyon ng mga dam at mga komunidad sa ibabang bahagi ng Agno River basin

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top