Sampaga Studio: Isa sa mga kilalang studio sa Asingan
Sa mga gustong magpakuha ng kanilang litrato sa Asingan, iisang pangalan lamang ang unang naiisip— ang “Sampaga Studio”.
Sa panayam kay Mrs. Imelda Sampaga-Galvez, sinabi nito na ang lolo niya na si Peregrino Sampaga ang nagpatayo ng pinaka-unang Sampaga Studio.
“Yung lolo namin nanggaling ng Pozorrubio namasyal lang siya sa Asingan tapos doon sa Dupac doon nakilala niya yung lola namin [ Julita Soloria] nagkagustuhan, dito na sila nanirahan.” ani ni Mrs. Galvez.
Sa paglipas ng panahon, sa apat na anak ng mag-asawa ay tatlo ang nagka-interes sa paglilitrato. Ito ay sina Bening, Andong at si Lilo (ama ni Imelda).
Taong 1952 nang tinayo ang kilalang “Sampaga Studio”, sa madalas na pagkakataon laging napupuno ang kanilang photo studio.
“Noong siyempre marami na siyang naiipon na pera nagdecide na siyang pag aaralin uli yung mother namin kasi siyempre may kaya gusto niyang matapos yung mother namin sa pag aaral, kaya pinag aral niya hanggang matapos naging teacher siya” saad ni Mrs. Galvez
Sa kabuoan ay nagkaroon ng anim na anak sina Purita Costes at Teofilo Sampaga Sr na napagtapos niya ng pag-aaral. Taong 2010 sa edad na 84 ay pinagpahinga na siya dahil na rin sa katandaan.
“Yung father namin napakabait yung talagang masipag kumbaga walang masamang tinapay sobrang bait talaga ang daming tao na gustong gusto siya kahit saan siya pumunta kilala siya” kwento ni Mrs. Galvez.
Sa ngayon ang dating kinatitirikan ng Sampaga Studio ay isa ng restaurant.